BAGONG SISTEMA VS CYBER ATTACK ILALABAS NG DICT

cyber attact

NAKATAKDANG maglabas ng isang sistema  ang  Department of Information ang Communication Technology (DICT) para maproteksiyunan ang pamahalaan laban sa mga cyber-attack o cyber threat.

Sa pahayag ni DICT Asec. Allan Cabanlong ay  tatawagin itong national cyber intelligence platform kung saan magbibigay ng seguridad sa sampung ahensiya ng gobyerno ang kompanyang Integrated Computer System na  nagwagi sa bidding kamakailan.

Maaari nang makita o ma-monitor ang anumang uri ng pagbabanta, terorismo at kriminalidad  sa gumagamit ng social media.

Nais itong  masi­mulan sa Enero 2019 at tinatayang aabot sa mahigit P500 mil­yon ang magugugol na  pondo ng pamahalaan para sa  nasabing proyekto.

Comments are closed.