BAGONG SRP SA BIGAS

BIGAS-9

NAKATAKDANG magpatupad ng bagong suggested retail price (SRP) sa bigas sa bansa ang Department of Trade and Industry (DTI).

Sinabi ni Department of Agriculture Manny Piñol na mag­dedepende ang SRP sa landed cost ng produkto, at sa inisyal na kompyutasyon. Nasa P35 hanggang P38  ang magi­ging SRP ng commercial rice alinsunod sa rekomendas­yon ng DA sa Department of  Trade and Industry sa kanilang pulong at iba pang ahensiya na inaasahang maipatutupad na sa susunod na linggo.

Para mabalanse ang kapakanan ng rice tra­ders, local farmers at mamimili, napagdesisyunan sa nasabing pagpupulong na gagamitin na aniya ang Price Act, o magkakaroon na ng SRP.

Ikinaalarma ng  DA ang naging malaking pagbaba ng farmgate price ng palay.

Sa isang press briefing, sinabi ni Piñol na hindi nila inaasahan na ganito ang mangyayari, na taliwas sa inaasahang magiging epekto ng Rice Tariffi-cation Law na pagbuti sa presyo ng ipinagbibiling commercial rice sa merkado.

Sinabi ng kalihim na upang alamin ang dahilan ng pagbulusok ng farmgate price ng palay na nasa dose hanggang katorse pesos lamang mula sa da-ting mahigit P20.00, nagpulong na aniya ang DA, DTI at National Economic Development Authority (NEDA), na dinaluhan din ng Department of Fi-nance (DOF) at Philippine Statistics Authority (PSA).

Natukoy aniya sa ginawang pagpupulong na nasarapan sa pag-import ang traders dahil sa ang pakiramdam nila ay walang magkokontrol sa presyo. Tulad ng imported rice mula sa Thailand, Vietnam at Myanmar na nasa P18 hanggang P25 lamang ang landed price, subalit ibinebenta sa presyong P40 hanggang P60. Bunsod nito, wala na aniyang gustong bumili ng lokal na palay dahil bukod sa mahaba ang proseso bago maging bigas, maliit pa ang kita dahil sa baba ng presyo nito sa farmgate.

Sinabi rin ng kalihim na hindi rin nangyari ang inaasahang P7 na pagbaba ng presyo ng bigas sa merkado dahil ang mas dumami aniya ay ang mga nagnegosyo o nag-import ng bigas. BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.