IKINABABAHALA ang biglang pagsulpot ng bagong variant ng Monkeypox sa South Africa.
Sinasabing ang bagong variant ay maaaring magdulot ng pandemya na ikinabahala ng mga residente sa lugar, gayundin ng health authorities.
Naalarma rin ang mga kalapit-bansa na magkaroon ng spillover ng nasabing virus.
Ang Monkeypox ay isang infectious disease, nagdudulot ito ng painful rash, paglaki ng lymph nodes, at lagnat.
Maaari namang gumaling subalit kapag mahina ang resistensiya ay posibleng lumala.
Nakukuha ang MPox sa direct contact, gaya ng paghalik, sexual intercourse at pagkiskis ng balat.
Kaya kung tatamaan nito, dapat ay ibukod ang sarili at mag-social distancing upang hindi makahawa.
Bagama’t wala nito sa Pilipinas, pinag-iingat ang mga Pilipino na nakabase kung saan naitala ang nasabing bagong variant ng MPox.
Gaya ng mga naunang sakit na tumama sa bansa, dapat sundin ang payo ng mga eksperto para makaiwas at kung dumapo na, sundin ang nararapat na gawin para gumaling.