BAGONG SUPPLY NG FACE MASK PARATING —DTI CHIEF

Ramon lopez-face mask

MARAMI pang supply ng surgical at N95 masks ang parating, ayon sa isang cabinet official kamakailan na naka-pagpaalis ng takot sa mga mamamayan na magkakaroon ng shortage dahil sa demand dulot ng Taal Volcano eruption at ng banta sa coronavirus.

May dalawang mil­yong surgical masks at nasa 100,000 hanggang 200,000 na N95 face masks ang parating, pahayag ni Trade Secretary Ramon Lopez sabay babala sa mga magsasamantala.

“May parating pa sila, kaya ko sinasabi ang supply para masabi na hindi ho magsho-shortage, may parating na… In terms of supply mayroon ho tapos ang commitment po nila manufacturer… na hindi rin magbabago ng pres­yo,” sabi ni Lopez.

Manggagaling ang supply ng mask mula sa isang local manufacturer at kukunin sa ibang bansa tulad ng Vietnam pero hindi sa China.

May 18 kaso na ang naisampa sa Department of Trade and Industries (DTI’s) Fair Trade Enforcement Bureau dahil sa overpricing ng face masks. Kapag napatunayang nagkasala, ay mahaharap ang mga negos­yante sa multa na aabot sa P300,000.