BAGONG TAON BA AY KAILANGAN

Bagong Taon ba ay kailangan
Bago anumang luma palitan?
Kailangan mo pa bang abangan
Ang bawat pagbabago ng buwan?

Ngayong nandito na ang mga -bre
Maaari ka na bang malibre
At, sa bandang huli, makalibre
Sa inaayawan mong biyahe?

Hihintayin mo pa ba ang promo
Para ikaw ay mag-eroplano?
O puwede ka namang mag-RoRo
Sa gitna ng Aparri at Jolo?

Trip mo ang birtuwal na bakasyon
Kapapanood ng telebisyon?
Kung kaya ang Salita ng Taon,
Para sa iyo, ay “staycation”?

Inayos mo ang iyong bucketlist
Na si Rick Steves ang nasa isip?
Dahil sa social feed nakikinig
Kaya di ka makaalis-alis?

Hanggang sa mapansin mong palaging
Bumabalik sa dating ugali.
Nagpasiya kang hindi na muli
Magpapatali sa atubili.

Binigyan mo ng importansiya
Lahat ng hindi mo napupuna.
At napatunayan mo tuwina
May ganda pala sa bawat isa.

Natutuhan mo rin sa paggising
Ang pagkakataong mag-Good Morning!
Natukyan mong magpasalamat din
Sa poong iyong itinuturing.