BAGONG TAYABAS CITY HALL BINUKSAN NA SA PUBLIKO

QUEZON-PORMAL ng binuksan sa publiko ang bagong tayong bahay pamahalaan ng siyudad ng Tayabas City kasabay ng pagpapasinaya rito.

Dinaluhan ng ibat ibang personalidad ng Tayabas City at ilang matataas na lokal na opisyal ng lalawigan ng Quezon.

Sa harapan ng mga kawani at mga panauhin ng Tayabas City Hall, sinabi ni Mayor Maria Lourdes “Lovely” Reynoso-Pontioso na ang bagong gusaling ay gintong pamana ng kanyang yumaong ina na dating alkalde ng kanilang lungsod na si Mayor Aida Agpi Reynoso na kanyang pinalitan dahil namatay ito sa sakit noong nakaraang taon.

Ayon kay Pontioso, ang bagong City Hall ay sumasalamin sa higit na kaunlaran sa nasabing lungsod na ipinagawa upang makapagbigay ng higit pang dekalidad na serbisyo publiko.

Ang bagong City Hall ay itinayo sa Barangay Baguio na may tatlong palapag at may karagdagan pang ilang tanggapan sa pinaka-rooftop at nilagyan ito ng makabagong elevator para sa maginhawang akyat at pagbaba sa City Hall bukod pa sa malawak na parking area sa buong paligid ng gusali.

Nabatid na 2018 nang magpasa ang Sanguniang Panglunsod ng Tayabas City ng isang Ordinansa upang makapagloan sa Development Bank of the Philippine ang Lokal na Pamahalaan sa pagpapatayo ng bagong Tayabas City Hall.

At nang pumasok ang 2019 ay sinimulan ang konstruksyon nito dahil sa pandemya bahagyang nabalam at napatigil ang paggawa at ngayong taon na lamang ito natapos.

Sa kabuuan ay may lawak itong 29,631 sqms na lote na may open field flat terrain, tatlong palapag may roof deck na may lawak na 13,260 square meters gross floor area.

Dagdag pa ni Pontioso ang pinagtayuan ng bagong City Hall ay accesible mula sa Tayabas-Sariaya Road at Tayabas Bypass Road.

Inilagay ito sa labas ng naturang lungsod upang maibsan ang mabigat na trapiko sa kabayanan at ipinagmamalaki ngayon ng lokal na pamahalaan ng Tayabas City na nag-iisa at pinakamalaking bahay pamahalaan sa buong lalawigan ng Quezon.
BONG RIVERA