BAGONG TEKNOLOHIYA SA ELEKSIYON, NIREREPASO

TINATALAKAY at nirerepaso ng Commission on Elections (Comelec) ang mga patakaran at ang mga detalye ng bagong teknolohiya na maaring gamitin sa susunod na halalan.

Sa isang public briefing, sinabi ni Comelec spokesperson Rex Laudiangco na isa sa pinag-uusapan ngayon ang anumang teknolohiya na mas maganda,mas mabisa at mas moderno.

“Pagsasama-samahin po namin ito bilang terms of reference at siyang gagawin natin para makapag-public bidding po tayo ng ating bagong election system,” ani Laudiangco

Kabilang aniya sa mga isinasaalang-alang ng Comelec en banc ay ang mga teknolohiya sa ibang bansa na maaaring gamitin sa Pilipinas at ang mga teknolohiyang pamilyar sa mga Pilipino.

Sinabi pa ni Laudiangco na dadalhin nila ang kanilang plano sa modernisasyon sa Kongreso matapos makatanggap ng suporta mula kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
PAUL ROLDAN