BAGONG TENT VENUE PINASINAYAAN NI DUTERTE

PRES DUTERTE-2

PINANGUNAHAN ni Pangulo Rodrigo Duterte ang pagpapasinaya sa pinakabagong tent venue sa C5 Extension Road sa Las Piñas City.

Si Pangulong Duterte ang naging guest of honor sa inagurasyon ng Tent at Vista Global South kasama ang pamilya Villar na sina dating  Senate President  Manny Villar, Senadora Cynthia Villar, Vista Land CEO Paolo Villar, Public Works Secretary Mark Villar at Las Piñas Rep. Camille Villar.

Kasabay ng nasabing okasyon, ang pagdiriwang ng kaarawan ni dating senador  Villar na siya ring founding chairman ng Villar Social Institute for Poverty Alleviation and Governance (Villar SIPAG).

“We now have the biggest tent venue in the south of Metro Manila, which will be the new site of our yearly OFW and Family Summit and the most-awaited Parol Festival,” anang senadora  na director  din ng Villar SIPAG.

Ang nasabing tent venue ay malayo sa traffic-congested areas sa Metro Manila na may kapasidad na hanggang 5,000.

Ito ang pinakabagong venue para sa personal o corporate events.

Fully-airconditioned ang 3,800 sqm espasyo nito na mayroong guest lounge at back-of-house para sa event suppliers  at  ang disenyo ay larawan ng makabago at eleganteng lobby na nagbibigay  ng “elevated tone at mood sa anumang okasyon.”

Ang Tent ng Vista Global South ay may malawak na parking space at malapit sa kilalang landmarks gaya ng Vista Mall Global South, Mella Hotel at Sanctuario de San Ezekiel Moreno.

At ang Tent ng Vista Global South ay 10 minuto ang layo sa Ninoy Aquino International Airport at accessible via NAIAX sa Cavitex mula sa north pati na rin sa Alabang Zapote Road at Bacoor Boulevard mula sa south. VICKY CERVALES

Comments are closed.