BAGONG TULAY SA SAN JUAN BINUKSAN NA

SAN JUAN BRIDGE

MAIIBSAN na ang nararanasang matinding trapiko sa San Juan matapos na mabuksan sa mga motorista ang San Juan Bridge na mas kilala sa tawag na Pinaglabanan Bridge San Juan City.

Pinamunuan kahapon ni Public Works and Highways Secretary Mark A. Villar ang inagurasyon ng bagong San Juan Bridge matapos ang mahabang taon na pagkakasara nito upang bigyang-daan ang kasalukuyang konstruksiyon ng Skyway Stage 3 Project.

Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, malaking tulong sa mga motorista ang binuksang bagong tulay na may lawak na 86.85 meters at nagkokonekta sa Old  St. Mesa Manila at N. Domingo sa San Juan.

Paliwanag ng alkalde, kayang mag-accomodate ng 8,000  hanggang 10,000 motorista ang nasabing tulay at malaking kaginhawaan sa mga taga-San Juan ang limang metrong lawak para sa mga pedestrian upang maging ligtas sa kanilang paglalakad at tuloy-tuloy naman ang motorista sa kanilang paglalakbay patungo sa Maynila.  ELMA MORALES

Comments are closed.