PANGUNGUNAHAN nina Manila Mayor Honey Lacuna, Vice Mayor Yul Servo at Congressman Rolan Valeriano (2nd district) ang ground breaking ng ten-storey annex college building ng Universidad de Manila (UdM) ngayong araw. October 17, 2024.
Pinuri ni Lacuna si Valeriano sa nasabing proyekto, at sinabing ang annex building ay maaari ng tumanggap ng mas maraming estudyante dahil masikip na sa dami ng estudyante ang UdM na malapit sa City Hall na pinamumunuan ni Dr. Felma Carlos-Tria bilang Pangulo.
Sinabi ni Valeriano na inako na niya ang proyektong pagpapatayo ng UdM Annex kahit ito pa ang pangarap ni Lacuna. Ayon sa Konggresista, nakatali ang kamay ng alkalde sa pagbabayad ng P17.8 B na utang ng nakaraang administrasyon utang kaya naman hindi ito magagawa.
Ayon kay Valeriano, ang planong UdM annex ay itatayo sa Vitas, Tondo at ito ay nasa 1,500 metro kwadradong lote at ito rin ang katuparan ng pangarap ni Lacuna dahil mangyayari ito sa panahon ng kanyang termino.
Sa kanyang pagpapasalamat, sinabi ni Lacuna na ito ang kauna-unahan na gagawa ng ganitong proyekto Congressman, karaniwan ay laging alkalde ang nagpapatayo ng mga gusali ng isang paaralan.
Sa ilalim ng nasabing Plano, ang nasabing gusali ay magkakaroon ng 48 classrooms, 15 multi-function rooms, multi-purpose hall at gym.
VERLIN RUIZ