BAGONG VARIANT NG COVID-19, DI PA NAKAKAPASOK SA PHL

DOH

HANGGANG sa kasalukuyan ay hindi pa rin nakakapasok sa Filipinas ang bagong variant ng nakamamatay na coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ang pagtiyak na ginawa kahapon ng Department of Health (DOH) at  ng Philippine Genome Center (PGC).

Ayon sa DOH, base sa lineage analysis na isinagawa sa pamamagitan ng genome sequencing ng PGC,  walang na-detect na UK variant sa may 305 positive samples  na isinumite sa kanila ng siyam na institusyon.

Nabatid na ang 305 samples  na sinuri ng  PGC ay pawang mga  positive samples mula sa hospital admissions mula Nobyembre hanggang Disyembre at mula sa mga  inbound travellers na nasuri na positibo sa COVID-19 pagdating  sa airport.

“Amid speculations that the UK variant (B.1.1.7) of the SARS-CoV-2 virus is already in the Philippines, the Department of Health (DOH) and the Philippine Genome Center (PGC) today report that the said variant of the SARS-CoV-2 virus has not yet been detected in the country,” anang DOH sa isang pahayag.

“Based on the lineage analysis through whole genome sequencing done by the PGC, the UK variant was not detected in any of the 305 positive samples submitted to them from nine institutions,” anito pa, na ang tinutukoy ay ang proseso na nagdedetermina sa distinct characteristics ng mga variant ng COVID-19.

Gayundin, nabatid na masusi na ring nakikipag-koordinasyon ang DOH sa International Health Regulations focal point ng Hong Kong para kaagad na makakuha ng notipikasyon at impormasyon sa mga residente na nagpositibo sa UK variant at may travel history sa Filipinas.

“Moreover, the Department is in close coordination with Hong Kong’s International Health Regulations focal point to secure official notification and other pertinent information regarding the Hong Kong resident who tested positive for the variant following travel history from the Philippines,” anito pa.

Nanawagan naman ang DOH sa local government units (LGUs) at transport regulators na patuloy at istriktong ipatupad ang minimum public health standards na siyang pinakamabisang pamamaraan para makaiwas na dapuan ng CO­VID-19. ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.