BAGONG WATER DEALS ISASAPINAL SA LOOB NG 6 BUWAN

MAYNILA-MANILA WATER

TARGET ng pamahalaan na isapinal ang bagong kontrata sa water concessionaires Maynilad at Manila Water sa loob ng anim na buwan, ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra.

Inamin ni Guevarra, na bahagi ng team na naatasang magbalangkas ng revised agreements sa dalawang water firms, na naghanda lamang ang grupo ng ‘matrix’ document— na tinatampukan ng sinasabing ‘onerous’ provisions na kailangang alisin sa kasalukuyang kasunduan.

“Well that contract does not exist as of the moment in the sense that we have something like the original water concession agreement,” wika ni Guevarra.

“We have simply prepared a matrix of what provisions ought to be deleted because they’re highly disadvantageous, if not onerous, by the Philippine government,” dagdag ng kalihim.

“I would say maybe a period of six months would be probably enough para ma-firm up (to firm them up).”

Kamakalawa ay nag-alok si Pangulong Duterte sa dalawang water firms ng bagong concession agreements na hindi naglalaman ng mga probisyon na makasasama sa gobyerno at sa publiko.

Ayon kay Duterte, dapat tanggapin ng dalawang water firms  ang bagong kasunduan dahil kung hindi ay iuutos niya ang military takeover sa operasyon ng dalawang water utilities.

Subalit kahit tanggapin ng dalawang water concessionaires ang bagong kasunduan ay wala aniyang katiyakan na makakatakas ang mga ito sa pag-uusig.

“I cannot stop anyone, especially a Filipino and a consumer of water, to file any case to damages or anything,” anang Pangulo. “Wala akong pakialam diyan  I leave it to anybody’s choice to run after or not to run after.”

Paulit-ulit na binatikos ni Duterte ang kasunduan na binuo noon pang 1997 makaraang matuklasan na hindi makatarungan ang mga probisyon nito.

“The provisions include the amendment that prohibits the government from interfering in the rate-setting mechanism of the firms,” ani Guevarra. PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.