MAGPAPATUPAD si Pasig City Mayor Vico Sotto ng bagong work arrangement para sa mga kawani ng City hall habang umiiral pa rin ang banta ng coronavirus disease (COVID-19).
Ayon sa alkalde, mayroong silang dalawang category para sa kanilang skeletal work force na papasok sa City hall ng lungsod.
Ang unang category na dati nang pinatutupad ay ang 30% work force arrangement.
At ang ikalawang category ay ang bagong work force arrangement na kung saan ipatutupad ang 15 days ‘off and on’ na ibig sabihin ang isang grupo ng kawani ng Pasig City Hall ay papasok ng 15 araw at 15 araw naman na magpapahinga.
Ani Sotto, sa pamamagitan nito ay mababawasan ang close contact ng kanilang manggagawa at awtomaiko na rin na magse- self quarantine kung sakaling tinamaan ng COVID-19. ELMA MORALES
Comments are closed.