BAGONG WORLD CHAMPS HAHASAIN SA BAGONG GYMNASTICS CENTER

william Ramirez

UMAASA ang Philippine Sports Commission (PSC) na makatutuklas ng bagong world-class gymnasts para sumunod sa mga yapak ni Olympian at World champion Caloy Yulo sa pagbubukas ng bagong Gymnastics Center sa Intramuros, Manila nitong Sabado.

“The PSC Board believes in our gymnasts to haul in more accomplishments in the coming years. This is why we support them in ways that our limited resources could. Last year, Caloy showed the world the true grit of Filipino athletes, fighting and winning despite injuries in another championship. Our collective efforts in developing sports can produce more Caloys in the future,“ wika ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez.

Magmula nang pumasok ang kasalukuyang administrasyon noong 2016, ang PSC ay nakapagbigay na ng mahigit sa P71 million sa Gymnastics Association of the Philippines (GAP) para sa mga gastusin ng koponan sa international competitions, training, equipment, training supplies, at iba pa.

Ang naturang halaga ay bukod pa sa mga inilabas na allowances ng mga atleta, local coaches at trainors, na noong 2021 lamang ay nagkakahalaga na ng P7.9 million.  Bukod dito, ang foreign coaches ay tumatanggap ng P287,000 salaries at allowances buwan-buwan.

Ang PSC ay naglabas ng P2.2 million para sa  training center rental expenses ng national gymnasts noong 2021 at January 2022. Ang bagong pasilidad ay magsisilbing training ground para kay Yulo at sa iba pang miyembro ng national team.

Hinasa ni 22-year-old Yulo, produkto ng Batang Pinoy at Philippine National Games programs ng PSC, ang kanyang talento at  skills sa loob ng gymnastics center sa makasaysayang Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) bago siya tuluyang naging isang Olympian at world-class athlete sa sport.

Sa kanyang pagbisita sa PSC weekly radio show “PSC Hour” na mapakikinggan tuwing Biyernes sa Radyo Pilipinas, nagpasalamat ang world champ sa sports agency sa suporta nito.

“Thankful po ako sa PSC na nandiyan po sila sa likod ko. Hindi ko po ito lahat magagawa kung wala po sila. Kasama po sila sa aking family, coaches, NSA at sa iba pa po na sumusuporta sa akin. Maraming, maraming salamat po.”

“We thank Caloy for raising the bar high for Philippine gymnastics. It just proves that hard work is the key to the fulfillment of a dream. I hope he inspires more youth to pursue their dreams and motivates us to further expand our grassroots program,” dagdag ni Ramirez.