BAGSAK-PRESYO NG COPRA NAKAAMBA

Copra

NAGBABALA ang United Coconut Associations of the Philippines (UCAP) na posibleng bumaba pa ang presyo ng kopra sa bansa.

Ito ay kasunod ng pagbaba rin sa inaasahang presyo ng coconut oil sa buong mundo dahil sa sobrang suplay ng mga vegetable oil.

Batay sa forecast ng World Bank, posibleng bumaba sa $720 kada metric ton ang average price ng coconut oil ngayong taon.

Mas mababa ito ng 27.78% sa naitalang average price na $997 kada metric ton noong nakaraang taon.

Maliban sa presyo, sinabi ng UCAP na makaaapekto rin ito sa pag-export ng mga coconut oil product ng Filipinas.

Comments are closed.