HUMAKOT ng dalawang major films awards ang isang baguhang Pinoy film director sa dalawang international festival na idinaos sa India.
Sa libo-libong mga movie entry sa buong bansa ay nasungkit ni Pinoy Director Jeremiah P. Palma ng pelikula niyang “UMBRA” ang dalawang best Director Award sa magkaibang international film festival.
Isa na rito ang Roshani International Film Festival na pinangunahan ng Film Education and Welfare Foundation sa Aurangabad, India.
Ang naturang festival, ginagamit ang media bilang platform at instrumento upang ganap na makuha ang atensiyon ng publiko.
Sa naturang festival ay lumahok si Director Palma na siya ring Director in charge ng Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas Inc. (KSMBPI) Film Division na kung saan ay nasungkit niya ang pangaral noong Hulyo 24 ng taong kasalukuyan sa kanyang pelikulang ” UMBRA “.
Nanalo rin siyang Best Director sa parehong pelikula sa Venus International Film Festival 2022 ( Hulyo 3, 2022).
Si Palma ay kilala rin sa tawag na Direk Miah ay nagsimulang magdirek ng music video at short films noong 2020. At ang MAYA film sa tulong ng KSMBPI Film division ganoon sa tulong ng produksyon ng “UMBRA” na isang indie film na inilaban sa international festival.
Ang 2 international film awards na nakamit ni Palma ay malaking tulong upang lalo tumaas ang antas at kalidad ng pelikulang Filipino at magbubukas ito ng dagdag na oportunidad para sa industriya ng film industry.
Mapapanood din sa loob ng bansa ang naturang pelikula matapos ang pagpapalabas dito globally.
ReplyForward
|