BAGUIO, BENGUET PROVINCE HANDA NA SA BATANG PINOY GRAND FINALS

PSC sports facilities chief Manny Bitog

MATAPOS ang ginawang ocular inspection sa Baguio at Benguet Province, sinabi ni PSC sports facilities chief Manny Bitog na handang-handa na para sa Batang Pinoy grand finals na gaganapin sa Setyembre 15-21, tampok ang mga medalist sa Luzon, Visayas at Min­danao.

“It’s all systems go. Everything is in place. The sports facilities in Baguio and Mountain Province are in good physical condition,” sabi ni Bitog.

“No more problem. Local officials ironed out all major kinks and did some refurbishing and improvement to ensure the smooth sailing of the competition jointly hosted by Baguio and Mountain Province,” wika pa ni Bitog na dating marathoner.

May 5,000 atleta ang sasabak sa isang linggong paligsahan na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC) at idaraos sa Baguio Athletic Bowl at Benguet Sports Complex sa unang pagkakataon.

Lalaruin ang 21 sports sa Baguio at anim sa Benguet Province sa torneo na lalahukan ng mga atleta na may edad 18 pababa.

Inaasahang ­pangungunahan ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez,  kasama sina Commissioners Arnold Agustin, Ramon Fernandez, Dr. Celia Kiram at Charles Raymond Maxey at Mayor Mauricio Domogan at Governor Cresencio Pacalso ang pagbubukas ng torneo.

Inilunsad ng PSC ang Batang Pinoy para makatuklas na mga batang atleta na may potensiyal na katawanin ang bansa sa mga darating na international competitions.

Ito ang ikalawang beses na magkatuwang ang Baguio at Benguet Province sa pag-host sa isang national tournament, ang una ay ang FIBA Under 16- Basketball competition na inorganisa ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (BSP)  at pinangasiwaan ni executive director at dating PBA Commissioner Sonny Barrios.

Bukod sa Batang Pinoy, inilunsad din ng PSC ang Philippine National Games at PSC-Pacquiao Bo­xing tournament.  CLYDE MARIANO

 

Comments are closed.