BAGUIO CITY — NAGSANIB puwersa ang lokal na pamahalaang lungsod ng Baguio at Department of Information and Communications Technology (DICT) kaugnay sa free public wifi at makapagtayo ng Baguio City Broadband Network sa susunod na Linggo.
Ito ang nakapaloob sa Memorandum of Agreement (MOA) na nilagdaan nina Mayor Benjamin Magalong at Information and Communications Technology Secretary Gregorio “Gringo” Honasan na ginanap sa Baguio Convention Center.
Ayon kay Magalong, sisimulan ang construction ng Smart City system na free public wifi sa susunod na Linggo na siyang kauna unahan sa bansa.
“The broadband project will serve as the system’s robust infrastructure platform and make sure that it will not become a “white elephant”, ani Magalong.
Agad naman na sinuportahan ni Honasan ang nasabing proyekto kung saan magbibigay ng malawak na information connectivity sa mga residente at makatulong sa e-governance.
Nabatid na si Honasan na dating Senador at upper class ni Mayor Magalong ay isinilang sa Baguio City. MHAR BASCO
Comments are closed.