BAGUIO CITY IRE-REHAB SA ENERO

BAGUIO CITY

BENGUET – UPANG maibalik ang dating ganda ng Baguio City, isasailalim ito sa rehabilitasyon sa Enero 2020.

Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, magsasagawa na sila ng mas detalyadong pagpupulong kasama ang Baguio City Local Government at Department of Environment and Natural Resources (DENR) hinggil sa rehabilitasyon.

Sinabi ni Puyat, una nang ipinag-utos ni Baguio City Benjamin Magalong ang pagbabawal sa pagputol ng mga puno partikular ang mga pine tree bilang bahagi ng planong pagsasaayos ng Baguio City.

Ipinag-utos na rin aniya ni Magalong ang pagpapatigil sa lahat ng mga bagong itatayong mga establisimiyento, bahay o anumang gusali.

Dagdag ni Puyat, pinaplano na rin ng lokal na pamahalaan na i-relocate o ilipat ang ilang mga kabahayan at establisimiyentong nakatayo sa palusong na bahagi ng lungsod. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM