BAGUIO HINDI ISASARA SA TURISTA

BAGUIO CITY

HINDI tulad sa Boracay, ang Baguio City ay hindi isasara sa mga turista kahit na isailalim ito sa major rehabilitation, ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Nagpulong na ang Department of Tourism (DOT),  DENR, Department of the Interior and Local Government (DILG), at ang lokal na pamahalaan ng Baguio upang maglatag ng mga plano para sa rehabilitasyon ng lungsod.

Ayon kay DOT Secretary Bernadette Romulo-Puyat, may P480 million ang inilaan para sa pagsasaayos sa makasaysa­yan at si-kat na Burnham Park.

Kabilang dito ang reconstruction ng sewerage system ng lungsod bagama’t hindi pa itinatakda ang petsa ng pagsisimula ng proyekto.

Ikinalungkot ni DILG Secretary Eduardo Año ang unti-unting pagkasira ng  Baguio bagama’t pinuri niya ang paghingi ng tulong ni Baguio Mayor Benjamin Magalong sa national government para sa rehabilitasyon.

Tinukoy rin ni Año ang pagdagsa ng mga turista at ang kawalan ng aksiyon sa mga nakalipas na taon na dahilan ng pagkawasak ng Baguio City. Dagdag pa niya, ang iba pang problema ay hindi naresolba sa nakalipas na tatlo hanggang apat na dekada.

Aniya, ayaw niyang tawagin ang Baguio na ‘Highest Smokey Mountain of the Philippines’.

Bagama’t bubuksan pa rin ang Baguio sa mga turista, nanawagan ang mga ahensiya ng pamahalaan ng kooperasyon sa mga res-idente sa pangangalaga sa summer capital ng bamsa.

Magkakaloob ang DENR ng technical support at assistance para ma­kagawa ng mga bagong ordinansa upang matulu­ngan ang Baguio na maging climate change-resilient. PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.