BAGYO TATAMA NGAYONG DISYEMBRE

ISANG bagyo ang maaring tumama sa bansa bago matapos ang taong 2023.

Sa press conference sa Malakanyang, sinabi ni Pagasa Administrator Nathaniel Servando na may maliit na tsansa na isa pang bagyo ang papasok sa  Visayas o sa Mindanao.

Pero hindi naman inaasahang na magiging malakas ang bagyong ito.

Tiniyak  na sapat ang suplay ng tubig sa mga dam at hindi kakapusin ang mga irigasyon maging ang potable water.