MAY tatlong katao na ang inulat na nasawi habang isa naman ang nawawala bunsod ng pananalasa ng bagyong Agaton sa bahagi ng Mindanao at Visayan region,
Sa ulat ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office may tatlong tao ang nasawi at isa ang nawawala sa Davao region sanhi ng malawakang pagbaha bunsod ng Tropical Storm Agaton.
Sa ulat na ibinahagi ni , Davao de Oro Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office head Joseph Rhandy Loy, may natangapa silang report kahapon na dalawang tao na may edad na 65 at 67, ang nalunod sa bayan ng Compostela habang may isang reported missing sa bayan ng Monkayo.
Gaya ng Cebu City inilagay din ang Davao de Oro under state of calamity kasunod ng naganap na flash flood sa kanilang area .
Sa pagtataya ng PDRRMO nasa 4,600 families ang apektado habang tinatayang nasa p 100 million naman ang naging pinsala sa mga pananim.
“Umabot na po dun sa production areas natin that covers rice, corn and even high value crops. Umaabot na po ito ng mahigit P100 million ang damage,” ani Loy sa isang panayam.
Samantala isang octogenarian na lolo ang nalunod bayan ng Cateel, Davao Oriental nang tangkain niyang iligtas ang kanyang mga alagang hayop.
Ayon kay Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office assistant head Francis Jason Bendulo nagkaroon din ng mga pagbaha sa kanilang lalawigan
Mahigit 86,515 pamilya ang apektado ng pananalasa ng Tropical Storm
“Agaton” ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Sa kanilang latest report, sinabi ng NDRRMC na nasa o 136,390 indibidwal ang apektado ng pananalasa ng Bagyong Agaton sa Visayas at Mindanao.
Samantala umaabot naman sa 2, 362 passengers, 1180 rolling cargoes, 6 vessels, at 1 motorbancas ang kasalukuyang stranded sa Region 5,
Region 7, Region 8, CARAGA.
Bahagyang humina ang bagyong Agaton na ngayon ay nasa tropical depression category na, mula sa storm level kahapon ng umaga.
Ayon sa Pagasa, huling namataan ang sentro ng sama ng panahon sa coastal waters ng Tanauan, Leyte.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 55 kph at may pagbugsong 70 kph.
Kumikilos ito nang mabagal patungo sa pakanluran hilagang kanlurang direksyon.
Samantala, isa namang low pressure area ang namataan sa layong 240 km sa timog kanluran ng Puerto Princesa City, Palawan.
Habang ang bagyong may international name na Malakas ay inaasahang papasok sa Philippine territory ngayong araw. VERLIN RUIZ