Bagyong Carina asahang bahagyang lalakas, magdudulot ng matinding ulan sa ilang lugar sa bansa

INAASAHANG lalakas ang bagyo at tropical storm na si Carina (Gaemi) ngayong Lunes, Hulyo 22 saklaw ang maraming lugar ng bansa na makararanas ng matinding pag -ulan.

Ayon kay Daniel James E. Villamin, Weather Specialist ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) posibleng heavy to intense rainfall na may 100 hanggang 200 millimeters(mm) ang maaaring maranasan sa Occidental Mindoro, Zambales, Bataan, Benguet, Pangasinan, at La Union.

Samantala, katamtaman hanggang malakas na ulan naman sa pagitan ng 50 hanggang 100 mm rainfall ang mararanasan sa Abra, Cavite, Batangas, Northern Palawan,at iba pang bahagi ng Ilocos Region.

Pagsapit naman ng Martes, Hulyo 23, sinabi ni Villamin na magpapatuloy ang malalakas na pag ulan. Dala ng habagat ang pagpapanatili ng mga pag- ulan na ito gawa ng paghatak ni Carina sa Southwest Monsoon.Magpapatuloy sa araw na ito ang heavy hanggang intense rains na magdadala ng ulan na 100 hanggang 200 mm sa areas ng Occidental Mindoro, Zambales, Bataan,Benguet, Pangasinan at La Union.Magkakaroon na rin ng moderate hanggang heavy rains sa araw ng Martes sa area ng Metro Manila, Northern Palawan, Cavite,Batangas, Tarlac, Pampanga,Bulacan, Abra at iba pang bahagi ng Ilocos Region.

Sa mga nabanggit na lugar, ayon kay Villamin ito ang mga makararanas ng direktang pag ulan ni Carina at southwest monsoon o yung hanging habagat.

Maging handa rin at maging alerto sa banta ng pagbaha at pagguho ng lupa lalong lalo na kung tuloy tuloy ang ulan na mararanasan. Posible rin anya ang pag- apaw ng mga ilog. Mataas ang tsansa sa pagbaha lalo na sa mga bahagi ng elevated at mga bulubunduking lugar.

Sa severe winds naman ay may malalakas na hangin taglay si Carina.Sa ngayon ay wala pang nakataas na tropical cyclone signal sa bahagi ng Pilipinas dahil nga sa may kalayuan ang track ni Carina sa kapuluan ng bansa, subalit posible na magtaas ang PAGASA ng typhoon signal No. 1 na posible ngayong Linggo ng gabi o sa Hulyo 22.”Hindi natin tinatanggal ang posibilidad na magtaas tayo ng wind signal No. 1 sa area ng extreme northern Luzon at sa north eastern portion ng mainland Cagayan.Possibly tonight (Linggo, Hulyo 21) or tomorrow (Lunes, Hulyo 22), in anticipation sa malalakas na hangin na dala ni Carina,”sabi ni Villamin.

Bukod sa malalakas na hangin ng southwest monsoon na pinapairal ni Carina, inaasahan din na magdala ng malalakas na bugso ng hangin sa ilang bahagi ng bansa sa mga susunod na araw.

Simula Linggo,Hulyo 21, nakararanas na anya ng malalakas na hangin dulot ng southwest monsoon sa areas ng Kalayaan islands.Pagsapit naman ng Lunes, Hulyo 22 ay magpapatuloy ang malalakas na hangin sa areas ng Visayas.

Sa araw naman ng Martes, Hulyo 23, magpapatuloy ang malalakas na bugso ng hangin na dala ng southwest monsoon sa Ilocos Region, Zambales, Bataan ,Aurora, Metro Manila, CALABARZON , MIMAROPA, Bicol Region , at Western Visayas.

Wala rin anyang nakataas na gale warning sa mga baybayin ng mga kapuluan, subalit, kailangan pa rin ang ibayong pag iingat pa rin ng mga maglalayag, lalo na sa western section ng Luzon, sa mga seaboards ng Visayas at Mindanao.Posible pa rin aniyang makaranas dyan mula sa katamtaman dulot ng hanging habagat.

Sa track at intensity forecast ni Carina,sinabi ni Villamin na magpapatuloy ang galaw ni Carina ng northwest.Sa Martes gagalaw si Carina ng generally northward, patungo sa northern boundary ng Philippine Area of Responsibility(PAR) patuloy anya sa northwest ward.Posibleng magkaroon ito ng typhoon category forecast sa Martes.

Sa umaga ng Huwebes, inaasahang nasa labas na ito ng PAR sa layong 595 kilometers north north east ng Itbayat sa Batanes.

Ma. Luisa Macabuhay-Garcia