BINABANTAYAN ngayon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang tropical depression na naging ganap ng bagyo at possible pang maging isang super typhoon.
Ayon sa state weather bureau, maaaring maging isang malakas na bagyo si typhoon Egay sa Lunes ng gabi o umaga ng Martes habang tinatahak ang Silangan bahagi ng Philippine Sea.
Sa pagtataya ng PAGASA, sa loob ng 12 oras ay inaasahang lalo pang lalakas ang Bagyong Egay at magiging tropical storm.
Sa kasalukuyan ay hindi pa ganap na nakikita ng PAGASA kung magla-landfall ang Bagyong Egay dahil mananatili ito sa karagatang sakop ng silangang bahagi ng Luzon.
Subalit, may posibilidad umano mag-landfall ito sa silangang bahagi ng mainland Cagayan at Batanes kung hindi magbabago ang direksyong tinatahak nito.
Dahil dito, pinapayuhan ng PAGASA ang publiko na mag-ingat at maghanda naman ang mga LGU dahil sa banta ng Bagyong Egay.
VERLIN RUIZ