BAGYONG ‘FERDIE’ NAKAPASOK NA NG PAR

NAKAPASOK na sa Philippine area of ​​responsibility (PAR) ang tropical storm Bebinca, na tinawag sa local name na “Ferdie”.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration Pagasa) dakong 6pm nitong Biyernes ng gabi, Setyembre 13 nang pumasok ang bagyo.

Ito ang ikaanim na bagyo sa bansa sa taong 2024.

Ilalabas ng Pagasa ang unang Tropical Cyclone bulletin para sa bagyong Ferdie ngayong 11:00 ng gabi.

Bagamat hindi magla-landfall si ‘Ferdie’ magpapaulan sa maraming bahagi ng bansa ang habagat.

MA. LUISA MACABUHAY GARCIA