BAGYONG JULIAN BALIK-PINAS, 3 PATAY

MULING PUMASOK sa Philippine area of Responsibility (PAR) nitong October 3, ang Bagyong Julian na una nang nanalasa sa Northern Luzon bagong tinahak ang Taiwan,  ayon sa PAGASA .

May tatlong katao ang inulat na nasawi sa lalawigan ng Ilocos Norte matapos ang nauna ng pananalasa ng Bagyong Julian sa Pilipinas.

Posible umanong magdala ito muli ng malalakas na pag ulan ayon sa state weather bureau.

Ang Bagyong Julian (international name: Krathon) ay namataan may 245 kilometers northwest ng  Itbayat, Batanes kahapon ng umaga. May taglay itong bilis na umaabot sa 120 kilometers per hour at bugso na nasa 165 kph  ayon sa  PAGASA.

Nanatiling apektado pa ng typhoon Julian ang lalawigan ng Batanes na nasa ilalim ng Wind Signal No. 1 sa bahagi ng  Itbayat.

Inaasahan naman na agad din itong hihina sa loob ng 36 na oras at magiging ganap na low pressure area.

VERLIN RUIZ