BAGYONG KRISTINE HUDYAT NG LA NIÑA

INAMIN ni Administrator Nathaniel Ser­vando ng Philippine Atmospheric Geophysicak and Astronomical Services Administration (PAGASA) na ang  pag-ulang nagdulot ng mga pagbaha sa Bicol region at iba pang bahagi ng ating bansa dahil sa bagyong Kristine ay maging hudyat ng madalas at malawakan pang pag-ulan.

Ayon kay Servando,  maaaring mag-trigger ito para sa unti-unting paglakas pa ng La Niña.”

Ang La Niña phenomenon ay ang kabaliktaran ng El Niño na nagdulot naman sa atin ng kakapusan ng tubig noong dry season.

Anita, sa simpleng pag-unawa ay baha talaga ang ihahatid ng kasalukuyang weather phenome­non.

Samantala, agad namang nilinaw ng Pagasa head ang naglabasang impormasyon na pang-tatlong buwang ulan ang inihatid ng bagyong Kristine sa Bicol.

Paliwanag nito, bagaman malaking volume ng ulan ang ibinagsak, hindi naman accurate na sabi­hing pang-tatlong buwan ang sukat ng mga pag-ulan para sa loob ng isang araw.

Sa pagsukat umano nila ay halos dalawang buwang antas ng tubig ang naranasan para sa loob lamang ng maikling panahon.

Gayunpaman, hindi aniya kailangang malihis sa tunay na data para lamang isalarawan ang lawak ng pinsala ng ma­tinding mga pag-ulan.

EUNICE CELARIO