BAGYONG LEON MAGBUBUHOS NG 1 BUWANG DAMI NG ULAN

Inaasahang magbubuhos ang bagyong Leon ng mahigit 200 millimeters o isang buwang katumbas na pag-ulan sa mga probinsiya ng Batanes at Cagayan kabilang ang Babuyan islands.

Sa heavy rainfall outlook ng Pagasa, posibleng maranasan ito araw ng Miyerkoles sa nasabing mga lugar dahil sa malakas hanggang sa tuloy-tuloy na buhos ng ulan.
Posible ring maitala ang 100 hanggang 200 millimeters na dami ng pag-ulan sa iba pang lugar tulad ng Ilocos Norte, Apayao, Isabela at Occidental Mindoro kung saan inaasahan ang heavy to intense na buhos ng ulan.

Samantala, ang katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan naman dahil sa bagyo ay maaaring magresulta ng 50 hanggang 100 millimeters na pag-ulan sa Ilocos Sur, Abra, Kalinga, Benguet, La Union, Pangasinan, Calamian Islands, Occidental Mindoro at Antique.

MA. LUISA GARCIA