BAHAGYA pang lumakas ang bagyong Marce habang patuloy na kumikilos pa-Hilagang Kanluran sa bahagi ng Philippine Sea.
Base sa weather bulletin ng PAGASA nitong alas-11:00 ng umaga kahapon, huling namataan ang bagyong Marce sa layong 775 kilometers Silangan ng Borongan City, Eastern Samar.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 75kph malapit sa gitna at pagbugso na aabot sa 90kph.
Inaasahan naman ng PAGASA na babagal si Marce habang papalapit sa kalupaan.
Bagaman hindi ito inaasahang magla-landfall, magpapaulan naman ito sa Extreme Northern Luzon at Eastern section ng Luzon simula kahapon hanggang ngayong araw.
Sa ngayon, wala pang nakataas na tropical cyclone signal number sa anumang bahagi ng bansa, pero posibleng ilagay sa Signal Number 1 sa Cagayan simula ngayon.
P ANTOLIN