BAGYONG MARCE BAHAGYANG HUMINA

Bahagyang humina ang bagyong Marce ngayong Biyernes matapos mag-landfall at baybayin nito ang kalupaan ng northern Luzon, partikular na sa kanluran ng Ilocos Norte noong Huwebes, habang ito ay nasa karagatan na ngayon at patuloy ang pagkilos palabas ng bansa.

Ayon sa 4 a.m. weather bulletin ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration) PAGASA) ngayong Nobyembre 8, huling namataan ang bagyong Marce sa kanlurang karagatan na ng Ilocos Norte.Wala na siya sa kalupaan ng bansa, subalit nasa coastal waters na siya ng Ilocos Norte at may kalapitan pa rin sa landmass ng bansa.

Taglay nito ang lakas ng hangin na malapit sa gitna na 155 kilometers per hour (kph) at may pagbugso na umaabot ng 115 kph. Kumikilos ito ng west northwestward sa bilis na 10 kph.

Malapit pa rin ang sentro ng bagyong Marce sa ibang bahagi ng northern Luzon kaya nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 4 sa Ilocos Norte, sa northern most portion ng Ilocos Sur,northern portion ng Abra, northwestern portion ng Apayao, at western portion ng mainland Cagayan.

Tropical Cyclone Wind Signal Number 3 naman sa southern and western portion ng Babuyan Islands, northern and western portion ng Cagayan, sa nalalabing bahagi ng Apayao, central portion ng Abra, at sa silangang bahagi ng Ilocos Sur.

Nakataas naman ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 2 sa southern portion ng Batanes, sa nlalabing bahagi ng Babuyan Islands, sa nalalabing bahagi ng mainland Cagayan, northern and western portion ng Isabela, nalalabing bahagi ng Abra, Kalinga, Mountain Province, northern portion ng Ifugao, Northern portion ng Benguet, La Union at sa nalalabing bahagi ng Ilocos Sur.

Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 naman sa nalalabing bahagi ng Batanes, La Union, Pangasinan, nalalabing bahagi ng Ifugao, Benguet, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Northern at Central portions ng Aurora, Northern portion ng Nueva Ecija, at hilagang bahagi ng Zambales.

Asahan pa rin ang pagpapatuloy ng ulan at pagbugso ng hangin dulot pa rin ng bagyong si Marce habang ito ay patuloy na kumikilos papalayo sa Philippine land mass.Dahil dito inaasahan ng PAGASA na unti unti nang hihina ang naturang bagyo, bagamat patuloy ang babala nito na mag ingat ang mga nasa flood at landslide prone areas sa mga lugar na nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal.

Posible ngayong Sabado ay wala ng inaasahang malalakas na pag ulan sa mga nasabing lugar at ibang bahagi ng bansa. Asahan na rin ang mas maaliwalas na panahon sa bansa sa Linggo.

Sa ngayon ay muling may binabantayan ang PAGASA na namumuong low pressure area sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) bagamat mababa ang tsansa nito na maging ganap na bagyo.

Ma. Luisa Macabuhay-Garcia