BAGYONG MARCE LUMAKAS

Itinaas na ang Signal No. 1 sa 14 lugar sa Luzon dahil sa bagyong Marce na lalo pang lumakas.

Sa 5:00 PM update ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Martes, Nobyembre 5  huling namataan ang sentro ni Marce 480 kilometro ang layo sa silangan ng Echague, Isabela.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 130 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 160 kilometers per hour.

Kumikilos ang bagyo pa-northwest sa bilis na 25 kilometers per hour.

Base sa forecast track ng weather bureau, magla-landfall o lalapit ang bagyong Marce sa Babuyan Islands o sa hilagang bahagi ng mainland Northern Cagayan pagsapit ng Huwebes ng tanghali o gabi, Nob­yembre 7.

Samantala, inaasahang patuloy na lalakas ang bagyo at posibleng maranasan ang “peak intensity” nito bago mag-landfall sa Babu­yan Islands o Cagayan.

Maaaring lumabas ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyo sa Biyernes ng tanghali o gabi, Nob­yembre 8.

MA. LUISA GARCIA