BAGYONG MAYMAY: 2 PATAY, 7K APEKTADO

DALAWA katao ang iniulat na nasawi bunsod ng pananalasa ng bagyong Maymay sa hilagang bahagi ng Luzon.

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC), tinatayang nasa 1,857 na pamilya naman o katumbas ng 7,069 indibidwal ang apektado RMC) kahapon ng umaga partikular sa area ng Cagayan Valley.

Gayunpaman, nilinaw ng NDRRMC na kasalukuyan pa nilang bina-validate ang ulat ng Cagayan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office na dalawa ang nasawi sa nasabing lalawigan.

Tinatayang nasa 31 pamilya o katumbas ng 86 na indibidwal ang nasa evacuation center habang ang iba namang mga apektado ay pansamantalang nanunuluyan sa kanilang mga kaanak.

Samantala, dahil hindi naman bumuhos ng todo ang ulan gaya ng inaasahan ay nagpasya ang NIA Magat River Integrated Irrigation System (MARIIS) na bawasan ang volume ng tubig na pinakakawalan dahil patuloy ng bumababa ang level ng tubig sa dam. VERLIN RUIZ