UMAKYAT na sa 76 ang bilang ang inulat na nasawi habang nasa 18 ang nawawala bunsod ng pananalasa ng Tropical Storm Paeng sa mga lalawigan ng Mindanao at Visayan region.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction Management Council sa ginanap na pulong balitaan kahapon ng umaga ay nasa 45 pa lamang kanilang validated death toll sanhi ng Bagyong Paeng.
Sa 45 validated death. 40 rito ay mula BARMM sa Maguindanao area at karamihan nito ay sanhi ng landslides, tatlo mula sa region 12 dalawa mula sa region 6.
Nagkaroon ng landslide sa Datu Blah Sinsuat at yung iba flooding generally area ng Northern Maguindanao.
Habang nasa 33 naman ang bilang ng mga nasaktan, 31 dito ang galing sa BARMM at 2 naman ang galing sa Region 12.
May 15 naman ang nawawala sa Maguindanao, habang tatlo sa Sultan Kudarat.
Sa situational report na ibinahagi ng NDRRMC nasa 84,161 persons or 49, 767 families mula Region 5,6,7,9,11,12,CARAGA at BARMM ang apektado ng bagyo.
Nasa 8,247 persons o 2, 211 pamilya ang inilikas mula sa 194 areas flooded samantalang nasa 57 roads at 12 bridges ang idineklarang hindi maaaring daanan habang suspendido naman ang operation ng may 585 seaports.
Ang tinatayang damage sa Infrastructures at Agriculture ay inilalagay muna sa P 54 milyon.
Ipinaliwanag ni Department of National Defense Officer in Charge, Senior Undersecretary Jose Faustino may mga pangyayaring na nagkakaroon ng over count mula sa ground kaya nagkakaroon ng magkakaibang ulat hinggil sa bilang ng casualties.
Pinangangambahang magkakaroon ng malaking bilang ng casualties at damages sa Barangay Kusiong area, boundary ng Datu Odin at Datu Blah na isang Coastal area matapos na ma washout ito ng tubig baha at pagguho ng lupa. VERLIN RUIZ