Naging ganap na bagyo na ang binabantayang low pressure (LPA) sa Mindanao at itinaas na ang typhoon wind Signal No. 1 sa Davao Oriental na pinangalanang typhoon Querubin na tumama sa bahaging ito ng bansa ilang araw bago magtapos ang taong 2024.
Ayon kay Chris Perez, Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (PAGASA) Weather Services Chief sa ngayon anya ay malapit ito sa kalupaan ng bansa.
Bagamat malapit na anya ito sa kalupaan, sinabi ni Perez na hindi nila ito inaasahan na maging kasing lakas ng mga nagdaang sunod sunod na bagyo na nanalasa sa bansa.
“Sa ngayon kailangan pa rin natin paghandaan kung ano pa rin ang posibleng magiging epekto nito,”sabi ni Perez.
Sa latest 5 pm. weather advisory ng PAGASA sinabi nitong as of 4 p.m. ang sentro nito ay may layong 215 kilometers east southeast ng Davao City.Ito ay nagtataglay ng lakas na hangin na 45 kilometers per hour malapit sa sentro at bugso na aabot sa 55 kilometers per hour.
Ito ay kumikilos sa direksyong south southwest ng mabagal. Ito ngang si bagyong Querubin ay nakakaapekto hindi lamang sa Mindanao maging sa Visayas.
Ngayong Disyembre 17 base sa advisory ng PAGASA maaapektuhan ang mga lugar ng CARAGA, Surigao, at moderate to heavy naman sa ilang bahagi ng Davao Region, Agusan area at ang mga lugar sa bahagi ng silangan ng Mindanao.
Sa mga susunod na araw posibleng mas dumami pa ang mga lugar na maaaring makaranas ng moderate to heavy at intense rainfall dulot ng nasabing LPA.
Sinabi ng PAGASA na malaki ang potensyal na tumawid ito sa Visayas area sa loob ng dalawa hanggang tatlong araw.
Bukod sa bagyong Querubin ay patuloy ang shearline weather system na magdudulot ng pag- ulan sa Quezon at Bicol Region.Samantalang ang northeast monsoon o amihan ay patuloy rin magpapaulan sa area ng Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region pati sa lalawigan ng Aurora.
Asahan aniya ang heavy to intense rains sa Dinagat islands, Surigao del Norte, Surigao del Sur, at sa Davao Oriental.
Asahan din ang moderate to heavy rains sa lalawigan ng Quezon, Bicol Region, Eastern Visayas, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Davao de Oro,Davao del Norte, Davao del Sur, at Davao Occidental at iba pang bahagi ng Visayas at Mindanao Region at ilang bahagi ng Luzon tulad ng Bicol Region.
Posible itong humina pagdating ng Miyerkoles ng hapon at muling maging LPA.Posible rin aniya itong tumawid sa Mindanao hanggang Palawan area sa Miyerkoles hanggang Linggo ng hapon.Posible rin itong lumapit sa kasalukuyang nag -aalburutong Mt. Kanlaon sa Biyernes hanggang Sabado na posibleng magdulot ng lahar. Posible pa rin itong magdulot ng malalakas na ulan kaya pinag -iingat pa rin ng PAGASA ang mga apektadong lugar sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.
Ma. Luisa Macabuhay-Garcia