BAGYONG ‘QUIEL’ NAKALABAS NA NG PAR; ISA PANG LPA BINABANTAYAN

Bagyong Quiel

ISANG panibagong low pressure area o LPA ang binabantayan ng Pagasa na namataan sa layong 1,835 kilometro sila­ngan ng Mindanao.

Ito ay matapos makalabas na ng Philippine Area of Responsibility o PAR ang bagyong ‘Quiel’  kahapon ng alas-5:00 ng umaga.

Huling namataan ang sentro ng bagyong ‘Quiel’ sa layong 144 kilometro kanluran ng Pagasa Island, Palawan.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging umaabot sa 120 kilometro kada oras at pagbugsong umaabot sa 150 kilometro kada oras.

Patuloy itong kumikilos sa direksyong pakanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras.

Samantala, patuloy namang nakaaapekto sa hilagang Luzon ang tail end of the cold front.

Magdudulot ito ng maulap na kalangitan na may kasamang pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, Isabela, Apayao, Ilocos Norte at Aurora.

Comments are closed.