BAGYONG SARAH  BINABANTAYAN

Bagyong Sarah

GANAP  na  bagyo  na ang binabantayang low pressure area (LPA) sa bahagi ng Eastern Samar at tatawa­ging ‘Sarah’.

Sa weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration ­(PAGASA)   lumakas ang sama ng panahon at naging tropical depression bandang 2:00 ng hapon.

Huling namataan ang bagyo sa layong 615 kilometro ng Silangang Hilagang-Sila­ngan ng Borongan City, Eastern Samar o 765 kilometers Silangang bahagi ng Legazpi City, Albay ng alas- 2:00 ng hapon.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometro kada oras  malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 kilometro kada oras.

Kumikilos ang bagyo sa direksyong Hilagang Kanluran sa bilis na 35 kilometro kada oras.

Mararanasan ang mahina at katamtaman na may kalat-kalat na malakas na pag-ulan sa silangang bahagi ng Caga­yan at Isabela at posible naman itong maging tropical storm sa susunod na 24 oras.

Comments are closed.