NAABUTAN ng bagyong Siony ang bagyong Rolly sa loob na ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Batay sa severe weather bulletin ng Pagasa, nakapasok ng teritoryo ng bansa ang bagyo bandang 8:00 ng umaga ng Linggo.
Huling namataan ang bagyo sa layong 1,365 kilometro silangan ng Central Luzon 10:00 ng umaga.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 90 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong Kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 30 kilometers per hour.
Habang isinusulat ang balitang ito ay wala pang lugar na nakataas sa storm signal.
Kikilos ang bagyo sa direksyong hilagang-kanluran hanggang Lunes ng gabi, Nobyembre 2, at unti-unting kikilos sa direksiyong west-southwest sa Martes. NENET V
Comments are closed.