INAASAHAN na magiging maulan sa Caraga, Davao Region, at Eastern Visayas matapos maitala ang kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat bunsod ng low pressure area (LPA).
Maging ang Cagayan, Isabela, Aurora, at Quezon ay makararanas ng maulat na papawirin kaya naman may pulo-pulong pag-ulan na dulot ng easterlies.
Habang pinangangambahang magiging bagyo ang LPA sa mismong Pasko at tatawaging Ursula.
Pinaalalahanan din ang mga nakatira sa malapit sa dalampasigan at dalisdis na mag-ingat dahil posible ang pagtaas ng tubig at pagguho.
Samantala, dahil pa rin sa LPA ay maitatala ang mahihinang pag-ulan sa Metro Manila at natitira pang bahagi ng bansa.
As of 3 ng madaling araw kahapon, namataan ang LPA sa 505 kilometers east southeast ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Magiging maalon din ang karagatan sa hilaga at silangang section ng Luzon at sa Eastern sections ng Visayas at Mindanao. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.