BAGYONG VICKY PAPALAPIT NA

LPA

NAGBABANTA na naman ang panibagong bagyong nakatakdang manalasa sa Luzon, Visayas at Mindanao, ito ang pahayag ng Pagasa.

Sa report, binigyan na ng babala ang mga residente ng silangang bahagi ng Luzon at Visayas para sa isang low pressure area (LPA) na malaki ang posibilidad na maging panibagong bagyo.

Namataan ang LPA sa layong 890 km sa silangan ng Mindanao habang pumapasok sa Philippine area of responsibility (PAR).

Tatawagin itong “Vicky” kapag naging ganap nang bagyo.

Hindi pa batid kung gaano ito kalakas ngunit apektado sa hilagang Luzon ang tail-end ng frontal system (shear line), habang hanging amihan naman ang naghahatid ng ulan sa Northern at Central Luzon.  NENET L. VILLAFANIA

Comments are closed.