PINUTOL muna ang linya ng koryente sa Balanga, Bataan makaraan lumagpas sa bahay ang taas ng baha sa nasabing bayan bunsod ng paghagupit ng Tropical Depression Josie na nagpalakas din sa Habagat.
Dahil dito, awtomatikong idineklara ang state of calamity sa nasabing bayan at wala na ring pasok sa eskuwela sa lahat ng antas ngayong araw.
Sa bayan ng Licab, Nueva Ecija ay idineklara na rin ang state of calamity bunsod ng pagbaha kung saan umabot sa 4,000 pamilya ang lumikas.
Aabot sa P50 milyon ang halaga ng napinsalang pananim at hayupan sa nasabing bayan ng Nueva Ecija at suspendido na rin ang klase sa lahat ng antas doon.
Sa Meycauayan, Bulacan, marami ang na-stranded kahapon sa McArthur Highway dahil pa rin sa pagbaha dulot ng walang hintong pag-ulan.
Sa Pampanga, 85 barangay na rin ang lubog sa baha habang idineklara na rin ang state of calamity sa ilang bayan sa Pangasinan, kasama ang Da-gupan City, San Carlos, Bugallon at iba pa.
WALANG PASOK
Dahil pa rin sa pagtaas ng baha at patuloy na pag-ulan, idineklara ang class suspension sa iba’t ibang lugar mula Metro Manila hanggang Cordillera Administrative Region.
As of 3 pm kahapon, sa Metro Manila, walang pasok ang lahat ng antas ng klase, pribado at pampubliko sa Quezon City dahil ilang lugar sa lungsod ay matindi ang pagbaha habang bibigyan ng daan ang 3rd State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte na gaganapin sa Batasang Pambansa.
Wala ring pasok sa Marikina City na deklaradong nasa state of Calamity makaraang mapaulat na pumalo ng hanggang 17 meter ang water level ang ilog doon subalit pasado alas-5 ng hapon ay bumaba na ng 15 meter.
Wala ring pasok sa eskuwela, all levels, sa Muntinlupa City at maging sa Rodriguez, Rizal.
Wala ring pasok sa lahat ng antas ang eskuwela sa Cavite; buong Bataan; Balagtas, Bulacan; Bocaue, Bulacan; Calumpit, Bulacan; Malolos, Bulacan; Obando, Bulacan, Paombong, Bulacan; Masantol, Pampanga – all levels (public and private), hanggang Hulyo 27; Olongapo City; Subic, Zambales; buong Pangasinan, all levels. EUNICE C.
Comments are closed.