BAHA SA CAGAYAN AABUTIN NG PASKO

cagayan

CAGAYAN-PINANGANGAMBAHANG aabutin ng Pasko ang mga residente ng Sitio Arsag, Barangay Linao, Tuguegarao City dahil hanggang sa kasalukuyan ay lubog pa rin sa tubig-baha at bangka lamang ang maaaring gamitin sa lalawigang ito.

Ayon kay Choling Sap, City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), mahirap at hindi pa rin marating ng mga sasakyan ang nasabing lugar kaya’t bangka ang  ginagamit upang makapaghatid ng tulong dito.

Nabatid na mahirap humupa ang tubig baha sa nasabing lugar dahil sa walang ibang daluyan o lagusan ito at maaring sa susunod na buwan pa tulu­yang huhupa ang baha.

Binigyang diin ng CDRRMO, nagpahiram na sila ng bangka sa naturang lugar dahil sa improvised na bangka lamang ang kanilang ginagamit sa ngayon.

Nakapag-abot din ang CDRRMO ng ayuda sa mga pamilyang apektado, subalit muli babalik ang mga ito para sa karagdagang tulong na ang pangunahing kailangan ng mga residente  ay tubig na maiinom, pagkain, damit at diaper ng mga bata.

Sa kasalukyan ay wala pa rin suplay ng kuryente na naturang lugar na kung saan umabot sa 40,875 na pamilya na katumbas ng 144, 250 na katao ang naapektuhan ng pagbaha at nasa 67 pamilya pa rin ang nananatili sa evacuation centers. IRENE  GONZALES

Comments are closed.