BAHAGI NG NLEX HARBOR LINK, NLEX CONNECTOR ISASARA

PANSAMANTALANG isasara sa mga motorista ang bahagi ng NLEX Harbor Link R10 Ramp at ang NLEX Connector upang bigyang-daan ang Safety Enhancement Works.

Sa abiso ng NLEX Corporation, ang pagsasara ay gagawin sa Enero 18, alas- 10 ng gabi hanggang ala-una ng madaling araw ng Enero 19.

Ang NLEX Harbor Link R10 ramp ay papuntang Mindanao Avenue habang ang NLEX Northbound ay patungong Valenzuela, Bulacan, at Pampanga.

Ang lahat ng motorista na papuntang Mindanao Avenue o sa NLEX Northbound mula sa R10 ay pinapayuhang dumaan muna sa C3 Road at pumasok sa NLEX Harbor Link C3 Entry Ramp.

Ang mga papunta sa NLEX Connector ay maaari namang dumaan sa C3 Road at pumasok sa NLEX Connector C3 Entry Ramp.

Para sa maayos na daloy ng trapiko,magtatalaga ang pamunuan ng NLEX Corporation ng patrol crews at marshalls sa strategic areas bukod pa sa mga ilalagay na directional signs.

PAULA ANTOLIN