(Bahagi ng pinaigting na community-based quarantine) MGA ‘TITA’ SA BARANGAY KAKASTIGO SA ECQ VIOLATORS

cascolan

CAMP CRAME- MALA-NANAY o pagkalinga ng isang tita na pagdisiplina sa mga pasaway sa residente ng barangay ang iminungkahi ni Lt. Gen. Camilo Pancratius Cascolan, ang PNP Deputy Chief for Administration, upang maipatupad ng tama ang limang linggong enhanced community quarantine (ECQ).

Sa rekomendasyon ni Cascolan, ang elderly women na respetado sa barangay ay isasama sa bubuuing barangay enforcement team (BET) na pangungunahan ng Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP) at Bureu of Fire Protection (BFP).

Naniniwala ang heneral na likas pa rin sa Filipino ang pagbibigay ng respeto sa kababaihan lalo na’t mga elderly na kaya ang imahe ng ina o tiyahin ay epektibong pamamaraan para disiplinahin ang mga pasaway na ayaw sumunod sa social distancing, pagsusuot ng face mask at ayaw manatili sa tahanan.

“If we could only empower our barangay officials with women we could discipline the community and let them follow protocol and procedures,” ayon pa kay Cascolan.

Marami na aniyang pagkakataon na naging matagumpay ang pagdisisiplina sa komunidad gaya ng kanyang karanasan sa Compostella Valley kung saan siya naging police provincial director at sa Palar, Taguig City na nagsilbi siyang chief of police.

Wala aniyang masama o mawawala kung susubukan ang “charm” ng kababaihan para sa pinaigting na ECQ sa bawat barangay.

“We have less than two weeks before April 30 and I believe, it’s time to empower our barangay officials and women to discipline those violators,” dagdag pa ni Cascolan.

Una nang nadismaya si Pangulong Rodrigo Duterte dahil nananatiling marami ang sumusuway sa kautusang ‘stay at home’, paggamit ng face mask at social distancing.

Sa datos ng PNP, umabot na sa 130,177 pasaway ang nasita mula Marso 17 hanggang Abril 18. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.