BAHAGI NG ROXAS BLVD ISASARA

Roxas Blvd

SARADO sa mga motorista ang bahagi ng Roxas Blvd.  ngayong Sabado  upàng bigyang daan ang pagdiriwang ng ika-35 taon ng International Coastal Clean Up Day.

Sa advisory na inilabas ng Metropolitan Manila Develeopment Authority (MMDA), ang kahabaan ng R. Blvd. simula sa P. Burgos Street hanggang Quirino Avenue, sa magkabilang linya ay isasara mula alas 6:00 ng umaga hanggang alas 9:00 ng umaga sa Setyembre 19.

Payo ng MMDA sa mga motorista na dumaan sa alternatibong ruta.

Ang patungong north, simula sa Osmeña Highway ay kumanan sa Quirino, dumiretso sa Lacson Avenue, kumaliwa sa Tayuman, Capulong Street patungo sa destinasyon.

Ang mga motorista na magmumula sa Roxas Blvd, kumanan sa EDSA, Osmena Highway, kumaliwa sa Quirino Ext, U.N. Avenue, kumanan sa Romualdez, kumaliwa sa Ayala Blvd, Finance Rd, P. Burgos, kumanan sa Bonifacio Drive,patungo sa destinasyon.

Kapag pa-southbound naman, mula sa Bonifacio Drive, kumaliwa sa P. Burgos, Finance Road, Ayala Blvd, kumanan sa Marcelino St, kumanan sa Quirino Ave bago kumaliwa sa Roxas Blvd patungo sa destinasyon.

Ang International Coastal Clean Up Day, na ginaganap sa tuwing ikatlong Sabado ng Setyembre ay alinsunod sa Proclamation No. 470, na may layuning kolektahin at idokumento ang mga basurang nakakalat sa mga dalampasigan ng bawat bansa. LIZA SORIANO

Comments are closed.