BAHAGYANG PAGLAMIG NG PANAHON NAGSISIMULA NA

Unti-unti nang humi­hina ang hanging habagat at bahagya na rin nararam­daman ang pag­la­mig ng panahon sa dahil sa transition nito sa amihan season at asahan na rin  ang paghaba ng gabi sa mga susunod na araw, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical Services Administration (PAGASA).

Inihayag ni Dan Villamil, weather specialist ng PAGASA, sa ngayon ay nararamdaman na lamang ang habagat sa hilagang Luzon at hindi na umaabot sa Metro Manila.

Sinabi ni Villamin na bahagya na ring nararamdaman ang paglamig ng panahon dahil nasa transition period na ang bansa mula sa habagat patungong amihan.

“Usually, nagsisimula pa po yan sa November pa. Early November pa at nagtatagal hanggang February next year.Yan naman po ay tinatawag nating northeast monsoon season,”sabi ni Villamin.

Kasunod nito asahan na rin  ang unti unting paghaba ng gabi sa mga susunod na araw kasunod ng autumnal equinox kung saan pantay na ang haba ng day time at night time na nagsimula nitong Set­yembre 22.

MA. LUISA GARCIA