BAHAY AT LUPA SA OLYMPIC MEDALISTS MULA SA NHA

HANDA na at puwede nang matirhan nina Tokyo Olympic medalists Hidilyn Diaz, Nesthy Petencio, Carlo Paalam at Eumir Marcial ang bagong bahay at lupa na nakatirik sa kani-kanilang probinsya mula sa pagtataguyod ng National Housing Authority (NHA).

Ang naturang bahay at lupa ay karagdagang insentibo mula sa pamahalaan batay sa pangako ng Pangulong Duterte sa apat na Olympians matapos maipagkaloob sa kanila ang tseke ng kanilang cash incentives sa ginanap na seremonya sa Malacanang nitong Lunes.

Ayon kay Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Butch Ramirez, masinsin ang koordinasyon ng ahensiya kay NHA General Manager Marcelino P. Escalada, Jr. para sa mabilis na turnover ng naturang mga bahay.

Ang 2-storey na bahay ay nakatakdang i-turn over kina Zamboangueños Hidilyn Diaz at Eumir Marcial sa Setyem-bre 2 sa Zamboanga, habang sa Davao ang bagong bahay nina Petecio at Paalam.

Batay sa housing project, ang Escalada ay 2-storey, 2-bedroom units na may floor area na 60 sq m at kabuuang lot area na 80 sq m. Wala nang gagawin ang apat kundi tirhan ang bahay dahil kumpleto na, kabilang ang tubig at koryente.

“I hope this good fortune and success of the national athletes could inspire a child somewhere to take up sports and one day take their turn in bringing pride to the Philippines,”  pahayag ni Ramirez.EDWIN ROLLON

29 thoughts on “BAHAY AT LUPA SA OLYMPIC MEDALISTS MULA SA NHA”

Leave a Reply

Your email address will not be published.