KUNG mas uunahin ang pangunahing kailangan ng tao, mas madali na ang pag-asenso.
Binigyang-diin ito ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso sa interbyu ng mga lokal na mamamahag sa Cabuyao City sa pagbisita niya sa Laguna na bahagi ng “Listening Tour” ng Aksyon Demokratiko kaugnay ng darating na eleksiyon sa Mayo 2022.
Sinabi ng kandidatong pangulo ng Aksyon Demokratiko na siya ay matibay ang paniniwala na mahalagang unahin ang pangunahing pangangailangan ng karaniwang mamamayang Pilipino, at ito ay ang magkaroon ng sariling bahay, malusog na pamilya, mabuting edukasyon at hanapbuhay.
“I am a believer of minimum basic needs. This is the reason why in Manila, we focused on mass housing intended to provide decent shelter for informal settlers, we built new hospitals, and new school buildings,” sabi ni Yorme Isko.
Kung siya ang pangulo, sisiguruhin niya na may trabaho ang mga magulang ng bawat pamilya.
Trabaho ang uunahin ni Isko, lalo na sa mga nawalan ng trabaho at hanapbuhay dahil sa perwisyong gawa ng pandemyang COVID-19.
Bukod sa siguradong trabaho, uunahin din ang pagbibigay ng libre at mahusay na edukasyon, pagkain, pamasahe at iba pang kailangan ng pamilyang Pilipino.
“’Pag may trabaho ang ama, ang ina, mairaraos pamilya nila,” sabi ng pambatong kandidato sa pagka-pangulo ng Aksyon Demokratiko.
Primera at modernong paaralang publiko ang ipatatayo ng kanyang administrasyon, sabi ni Mayor Isko.
Aniya, dapat na makasabay at maikukumpara ang paaralang publiko sa uri at dekalidad na pasilidad at sistema ng pagtuturo ng mga eksklusibong paaralang pribado.
Katunayan, naipatayo na niya ang isang 10-palapag na modernong paaralan, ito ang Rosauro Almario Elementary School, Manila Science High School, at Albert School na may malawak na 5-ektaryang lupa na maayos ang pagkagawa.
Ang mga ito ay kumpleto sa modernong gamit elektroniko tulad ng computer, mga gadget, tablet at maaliwalas na silid-aralan na may air-condition at elevator.
“Next important is connectivity. We will invest more with our bandwidth to make it available to our students in relation to future blended distant learning,” sabi ni Isko Moreno.
Sa Maynila, pagmamalaki ng alkalde, gumagamit ng libreng 10 gigabytes of free data bawat buwan ang mga estudyanteng Manilenyo.
Sa 2022, makagagamit ng libreng 20 gigabytes kada buwan ang mga mag-aaral ng Maynila na sagot ng pamahalaang lungsod.
“Eto ‘yung sinasabi natin na prototype. That’s the way to do it na mairaos ang pag-aaral ng mga bata,” sabi ni Yorme Isko, kasunod ang pangako na ang nagawa niya sa Maynila, “kayang gawin sa buong bansa.”
Maraming moderno at dekalidad na pasilidad medikal ang ipatatayo niya, sabi ni Isko, tulad ng tatlong palapag na 50-bed President Corazon C. Aquino General Hospital sa Baseco compound para sa kapos at walang-wala sa buhay na pamilyang taga Tundo.
Kinukumpleto lamang ang konstruksiyon ng apat na vertical housing projects , ang Tondominium 1, Tondominium 2 at Binondominium na tatapusin sa Enero 2022.
Dagdag dito ang 1,000 pang bahay para sa mahihirap tulad ng 20-palapag na San Lazaro Residences, Pedro Gil Residences, at San Sebastian Residences.
“‘Yan po ang programa namin sa ‘Buhay at Kabuhayan’ na ating sisimulan at umaasa kami sa Aksyon Demokratiko na sa 2022, magkakasama tayo sa paglikha ng maraming modernong Maynila sa ating bansa,” sabi ni Yorme Isko.
o0o
We sympathize po kay ex-Presidential Spox Atty. Harry Roque, kasi nabigo siya sa nomination niya na maging miyembro ng International Law Commission na tinatawag ding World Court, sayang naman.
Bakit “ex” na si Harry, kasi, nag-file siya ng candidacy niya para senador, at … good luck, sir Panyero.
Teka, talo uli si Panyerong Harry kasi kinampihan ni Presidente Rodrigo Roa Duterte si Yorme Isko sa isyu ng face shields.
Inokeyan ng Pangulo na ‘di magsuot ng face shields – na unang iniutos ni Yorme sa mga taga-Maynila.
Obligado lang magsuot ng face shields sa mga ospital, paanakan, bakunahan at iba pang medical facilities.
Ikaw NaISKO sa 2022.
Pilipinas, God First!
o0o
Para sa inyong mga suhestiyon, reaksiyon at opinyon ay mag-email lang sa [email protected].