KAGILA-GILALAS! Sa hirap ng buhay ngayon, may isang lalaking nakapagpatayo ng bahay na may air-con sa halagang Php50,000 lamang, sa loob ng 25 araw. Ang lalaking ito ay si Henry Tugot, asawa ni Rejeen Tugot, at mayroon silang dalawang anak.
Nag-post siya sa Facebook ang mga larawan ng bahay na itinayo niya, hindi dahil gusto niyang magyabang, kundi dahil gusto niyang ipaalam sa lahat na kung talagang gusto mong bigyan ng maayos na tahanan ang iyong pamilya, magagawa mo ito kahit kakaunti lamang ang iyong pera. Mula sa hollow blocks, semento, at plywood, naitayo ang kanyang munting tahanan.
Matagal bago naipon ng pamilya Tugot ang Php50,000 dahil pa-extra-extra lamang ang trabaho ni Henry.
Wala silang pambayad sa karpentero kaya siya na mismo ang gumawa nito – at natapos nga ang bahay sa loob lamang ng dalawampu’t limang araw.
May kabuuang sukat itong 14×16 feet, may isang kuwarto, living room, kusina, at maliit na terrace. Pero kahit maliit, nakabitan pa ng air-con ang buong bahay.
Konting pintura at mga makukulay na wallpaper na nabibili sa online shopping ang tumulong upang mapaganda nang husto ang munting tahanan ng pamilya Tugot.
Sa labas nnaman, pinuno nila ito ng mga halamang nakapaso. Parang bahay-kubo, kahit munti – pero hindi parang kubo. May aircon kasi. Wala namang kubong may aircon. Walang nabanggit tungkol sa comfort room. Kasali kaya ‘yon sa P50k na budget? KAYE NEBRE MARTIN