DAVAO CITY-APAT katao kabilang ang tatlong bata ang nasawi habang dalawang kasamahan nila ang malubhang nasugatan matapos na makulong sa nasusunog na bahay kahapon ng umaga sa lalawigang ito.
Ayon kay SFO4 Ramil Gillado, chief investigator ng BFP-11, posibleng na-trap at na-suffocate ang mga biktima kaya hindi na nagawang makatakas pa sa naglalagablab na apoy.
Kinilala ang arson investigator ang mga nasawi na sina Jag Louise, 19-anyos; alyas Natnat, 8-anyos at mga pinsan nitong sina Angel, 14-anyos at Evan Gabriel, 9-anyos.
Kasalukuyang namang ino-obserbahan pa sa pagamutan dalawa nilang kasamahan na kinilalang sina Julia, 26-anyos at Eunice na bagaman naka labas ng bahay ay nagtamo naman ng matinding paso sa kanilang katawan .
Sa inisyal na imbestigasyon ng BFP-11 arson investigator, maaring electrical ignition ang pinagmulan ng apoy dahil nagsimula umano ito sa area ng bahay kung saan may appliances na nakasaksak.
Nangyari ang sunog sa San Juan St., Phase 1, Laverna Hills, Buhangin ng nasabing siyudad na tumupok sa dalawang kabahayan at isang laundry shop na tinatayang aabot sa P3 milyon ang naabo. VERLIN RUIZ
Comments are closed.