BAHAY NG 60 PAMILYA NAABO

sunog

MAYNILA – ANIMNAPUNG pamilya ang  nawalan ng bahay makaraang masunugan sa Baseco Compound sa Maynila.

Batay sa inisyal na ulat ng Manila Fire Department, umabot sa ikatlong alarma ang sunog na nagsimula dakong alas-10:58 ng ­umaga sa isang Makeshift Residential Structure.

Sinasabing pansamantalang nanunuluyan sa nasabing lugar ang nagngangalang Junat Bea.

Sa imbestigasyon nag-umpisa ang sunog sa harapang bahagi ng nasabing istraktura kung saan mabilis na kumalat at nadamay ang katabi nitong inuukupahan ng mga tenant sa Blk. 8 Old Site Brgy 649, Baseco Compound.

Tinangka namang magtulong-tulong ng mga residente sa lugar na apulahin ang sunog pero hindi na rin nila kinayang patayin ang apoy dahil pawang gawa sa light materials ang mga natupok ng apoy.

Tinatayang aabot sa higit P50,000 hanggang P100,000 ang halaga ng natupok ng apoy habang umabot sa 20 hanggang 25 kabahayan ang natupok at nasa 60 pamilya naman ang apektado sa sunog. PAUL ROLDAN